Ano ang Sawikain
Sawikain are the equivalent of idioms in English. These are words that have figurative and non-literal meaning. An idiom’s figurative meaning is completely different from its literal meaning.
Sawikain is not to be confused with Salawikain. Sawikain are idioms while Salawikain are Proverbs.
Kahulugan ng Sawikain:
Ang sawikain o idioms sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salita na patalinghaga. Ito ay nagsasaad ng mga hindi tuwirang paglalarawan sa isang tao, bagay, pook o pangyayari.
Ang sawikain ay kadalasang nagdadala ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin ang sawikain. Sa halip na pangkaraniwan, malalalim na mga salita ang ginagamit sa sawikain. Kilala rin ang sawikain sa tawag na idioma o tayutay.
Narito ang higit na 100 na sawikain at ang kahulugan nila.
Mga Halimbawa at Kahulugan ng Sawikain
1. Abot-tanaw
Kahulugan:Malapit ng maisakatuparan, naabot na ng paningin
Halimbawa: Abot-tanaw na ni Henry ang pangarap niyang maging Doctor.
2. Agaw-buhay
Kahulugan: Nasa bingit na ng kamatayan,nagpapaalam na, malapit na mawalan ng buhay
Halimbawa: Nag-agaw buhay si Jio matapos siyang pagsasaksakin ng nakaaway nya sa kanto.
3. Agaw-dilim
Kahulugan: Palubog na Ang araw
Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na, baka pagalitan ako sa bahay.
4. Ahas
kahulugan: Taksil,hudas, traydor
Halimbawa: Kaibigan mo noon, ahas na ngayon.
5. Alilang-kanin
kahulugan: Utusang Hindi binabayaran ng pera ngunit binibigyan ng pagkain.
Halimbawa: Naging alilang-kanin si Anne simula nang mamatay ang kanyang Ina.
6. Alog na ang baba
Kahulugan: Matanda na, May edad na
Halimbawa: Alog na ang baba ng ating magulang kaya dapat tayo na ang mag-aalaga sa kanila.
7. Alsa balutan
Kahulugan: Umalis, Naglayas,
Halimbawa: Nag alsa balutan si Carla nang sinaktan siya ng tatay niya.
8. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango,Mahalimuyak
Halimbawa : Amoy pinipig parin si Daniel kahit buong hapon na siyang nakabilad sa araw.
9. Amoy tsiko
Kahulugan:Nakainom ng alak, lasing
Halimbawa: Pumunta si Jerry sa Kaarawan Ng kanyang pinsan at umuwing amoy tsiko.
10. Anak dalita
Kahulugan: Mahirap, Salat sa buhay
Halimbawa: Hindi nakatungtong si Mark sa kolehiyo dahil siya ay isang anak dalita.
11. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Si Mayor ay nagbigay ng tulong para sa mga anak-pawis na magsasaka sa probinsya.
12. Anghel ng tahanan
Kahulugan: Maliit na bata
Halimbawa: Umiiyak na naman ang anghel ng tahanan.
13. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Nawalan siya ng kaibigan dahil siya’y asal hayop.
14. Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Nabahag ang buntot ni Albert ng makita ang kanyang kaaway sa kanto.
15. Bakas ng kahapon
Kahulugan: Nakaraan, alaala ng kahapon
Halimbawa: Kalimutan na natin ang bakas ng kahapon at maging masaya kung ano tayo ngayon.
16. Balat kalabaw
Kahulugan: makapal ang mukha, di agad tinatablan ng hiya
Halimbawa: Sa sobrang balat kalabaw ni Rency wala na siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.
17. Balat-sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin
Halimbawa: Ang balat sibuyas kong kaibigan ay naging emosyonal nong pinagalitan siya ng kanyang guro.
18. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran
Halimbawa: Nakakainis talaga si Anne! napaka balik-harap.
19. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita
Halimbawa: Ayon kay Kayla, ang isyung kumakalat patungkol sa kanyang kaibigan ay purong balitang kutsero lamang.
20. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Asahan mong may isang bantay-salakay talaga sa iyong mga kaibigan.
21. Basa ang papel
Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Nabasa ang papel ni Roel sa mga kapulisan ngunit ayaw niya paring aminin ang katotohanan.
22. Basag-ulo
Kahulugan: Mahilig sa away, palagingnasasangkot sa gulo
Halimbawa: Palagi siyang may pasa sa mukha dahil siya’y basag-ulo.
23. Bilang na ang araw
Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bisitahin ko muna ang lolo ko sa hospital dahil bilang na ang araw niya.
24. Buhok anghel
Kahulugan: May magandang buhok
Halimbawa: Sana’y may buhok anghel din ako kagaya ni Lourdes.
25. Bukal sa loob
Kahulugan: Taos puso
Halimbawa: Bukal sa loob ni Mayor ang pagtulong sa mga nangangailangan.
26. Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Tuwing nagbubukang liwayway ay gumigising na ang aking ama para pumunta sa bukid at mag trabaho.
27. Bukas ang isip
Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Kung bukas ang isip ng bawat isa, sana’y walang kaguluhang magaganap.
28. Bukas na kaban
Kahulugan: Mapagkawanggawa, handang tumulong sa iba
Halimbawa: Piliin niyo ang politikong may bukas na kaban para sa lahat ngayong eleksyon.
29. Bulaklak ng dila
Kahulugan: Nakakaenganyo ng ibang tao totoo man o hindi totoo ang sinasabi.
Halimbawa: Sa sobrang bulaklak ng dila ng nagtitinda, napabili ako.
30. Bulaklak ng lipunan
Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
Halimbawa: Si Bb. Agnes ay binansagang bulaklak ng lipunan.
31. Bulang-gugo
Kahulugan:Mapagbigay, maluwag sa kapwa Halimbawa:Naghihirap si Micko ngayon dahil sa kanyang pagiging bulang-gugo.
32. Bumangga sa pader
Kahulugan: Lumaban sa Mayaman o Makapangyarihang tao
Halimbawa: Kailangan ko bumangga sa pader dahil hindi naman tama ang kanilang ginagawa.
33. Bungang-Araw
Kahulugan: Sakit sa Balat na nakukuha sa sobrang pag bibilad sa araw
Halimbawa: Si Jason ay laging nag lalaro ng basketball kahit sobrang init ang panahon, kaya’t nagkabungang-araw siya.
34. Bungang-tulog
Kahulugan:Panaginip,Pangarap
Halimbawa:Akala ko’y nanalo na ako ng 10 milyon sa lotto,bungang-tulog lang pala!
35. Buntong Hininga
Kahulugan:Paghihimutok, paghihinagpis
Halimbawa:Napabuntong hininga si Narda sa nagawa ng kanyang anak.
36. Busilak ang Puso
Kahulugan:Kabutihang Loob,tumutulong sa Kapwa tao
Halimbawa:Si Peter ay pinalaking may busilak ang puso.
37. Butas ang bulsa
Kahulugan:Walang Pera
Halimbawa: Hindi ka talaga makakabili ng gusto mong bilhin kung butas ang bulsa mo.
38. Buto’t balat
Kahulugan:Payat
Halimbawa:Naging buto’t balat siya simula nong iniwan siya ng kanya kasintahan.
39. Buwaya sa katihan
Kahulugan: Nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa: Ang nanay ni Marco ay buwaya sa katihan.
40. Daga sa dibdib
Kahulugan:Kinakabahan
Halimbawa: Nadama ko ang daga sa dibdib ni Hannah nong siya’y tinanong ng kanyang guro.
41. Dalawa ang bibig
Kahulugan: Mabunganga, madaldal
Halimbawa: Naiinip akong sumama sa mga taong dalawa ang bibig.
42. Dalawa ang mukha
Kahulugan: Taksil, balik-harap
Halimbawa: Hindi alam ni May na ang kaibigan niya ay dalawa ang mukha.
43. Dapit-hapon
Kahulugan: Malapit ng dumapo ang hapon
Halimbawa: Dapit-hapon na ng makauwi ako galing sa trabaho.
44. Di mahapayang gatang
Kahulugan: Sobrang yabang, mataas ang tingin sa sarili
Halimbawa: Marami sa mga kaklasi kong may ugaling di mahapayang gatang.
45. Di makabasag-pinggan
Kahulugan: Mahinhin,maayos kumilos, mahiyain
Halimbawa: Maraming nahuhumaling sa kanya dahil siya’y di makabasag-pinggan.
46. Di malaglagang karayom
Kahulugan: Napakaraming tao
Halimbawa: Di malaglagang karayom ang bomoto noong araw ng eleksyon.
47. Galit sa pera
Kahulugan: Gastador
Halimbawa: Ako’y wala nang pambaon dahil ang aking ina ay galit sa pera.
48. Ginintuang tinig
Kahulugan: Maganda ang boses
Halimbawa: Si Sarah ang karapat dapat manalo sa singing contest dahil may ginintuang tinig siya.
49. Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakdang kapalaran
Halimbawa: Tanggapin na lang nating hangang dito nalang ang guhit ng tadhana para kay Jorge.
50. Halang ang bituka
Kahulugan: Salbahe, desperado
Halimbawa: Si Juan ang pinaka halang ang bituka sa Bayan namin.
51. Halang ang kaluluwa
Kahulugan: Masamang tao
Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng taong gumawa ng karumal-dumal na krimen kay Jo-ann.
52. Haligi ng tahanan
Kahulugan: Ama o Tatay
Halimbawa: Ang haligi ng tahanan ang may resposibilidad sa paghahanap ng trabaho para sa kanyang pamilya.
53. Hampas ng langit
Kahulugan: Parusa ng Diyos
Halimbawa: Damahin mo ang hampas ng langit dahil pinatay mo ang isang matandang lalaki.
54. Hampas-lupa
Kahulugan: Mahirap, walang pinag-aralan, dukha
Halimbawa: Nagsimula sa pagiging hampas lupa si Lyka, hanggang siya’y yumaman dahil sa pag aartista.
55. Hawak sa leeg
Kahulugan: Sunud-sunuran o alila
Halimbawa: Huwag kang papayag na hawak sa leeg ka na lang palagi ng iyong asawa.
56. Hinahabol ng karayom
Kahulugan: Punit ang damit o butas ang damit
Halimbawa: Nakita kong hinahabol ng karayom ang pantalon ng bisita kanina.
57. Hindi madapuan ng langaw
Kahulugan:Sobrang pinoprotektahan o inaalagaan.
Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang nag-iisang anak ng mag-asawang Cruz.
58. Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa: Ibaon sa hukay mo nalang yang utang mo sa akin.
59. Ibong mandaragit
Kahulugan: Mananakop
Halimbawa: Napakaraming ibong mandaragit ang umaali-aligid sa Pilipinas.
60. Ikrus sa noo
Kahulugan: Tandaan, itanim sa isip
Halimbawa: Ikrus sa noo mo ang palaging bilin sayo ng magulang mo.
61. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina o Nanay
Halimbawa: Hindi ako nabuhay sa mundong ito kung wala ang aking ilaw ng tahanan.
62. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma
Kahulugan: Malapit ng mamatay, taong naghihingalo na
Halimbawa: Napaiyak si Anna dahil isang bulate na lang ang hindi pumipirma sa lola niya.
63. Isang kahig, isang tuka
Kahulugan: Nabubuhay sa hirap
Halimbawa: Maraming pamilyang isang kahig, isang tuka ngayon dahil sa pandemya.
64. Isulat sa tubig
Kahulugan: Kalimutan, ibaon sa limut
Halimbawa: Isulat mo na lang sa tubig ang inyong pinagsamahan.
65. Itaga sa bato
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Itaga mo sa bato ang sinasabi ko sayo.
66. Itim na tupa
Kahulugan: Masamang anak
Halimbawa: Si Romar ay itinuturing na itim na tupa ng kanyang lola.
67. Kabiyak ng dibdib
Kahulugan: Asawa
Halimbawa: Si Juliet ang kabiyak ng dibdib ni Romeo.
68. Kakaning-itik
Kahulugan: Walang halaga, o hindi maipagpaparangalan.
Halimbawa: Wag mong tratuhin na parang kakaning-itik ang iyong mga tauhan sa trabaho.
69. Kalapating mababa ang lipad
Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw o taong mababa ang antas sa buhay.
Halimbawa: Kayraming kalapating mababa ang lipad ang naghahanap ng trabaho ngayon.
70. Kamay na bakal
Kahulugan: Mahigpit na pamamalakad; malupit
Halimbawa: Mas mabuting may kamay na bakal ang mamumuno bilang pangulo.
71. Kape at gatas
Kahulugan: Maitim at maputi
Halimbawa: Nang aking pagkumparahin, kape’t gatas pala ang kulay nina Mylyn at Myrine.
72. Kapit tuko
Kahulugan: Mahigpit ang hawak
Halimbawa: Hindi dapat tayo maging kapit-tuko sa ating mga masasamang ugali at bisyo.
73. Kaututang dila
Kahulugan: Katsismisan
Halimbawa: Si Thesa ang aking kaututang dila tuwing walang pasok.
74. Kidlat sa bilis
Kahulugan: Napakabilis
Halimbawa: Kidlat sa bilis ng nalaman ng mga tao na buntis si Carla.
75. Kilos pagong
Kahulugan: Mabagal kumilos
Halimbawa: Palaging kilos pagong si Adrian, kaya’t palagi siyang nahuhuli sa klasi.
76. Kumukulo ang dugo
Kahulugan: Naiinis, nasusuklam
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ni Shane kapag nakikita niya ang kanyang kaaway.
77. Kumukulo ang sikmura
Kahulugan: Nagugutom
Halimbawa: Humingi ng pera ang batang pulubi sa isang mayamang matanda dahil kumukulo na ang sikmura niya.
78. Kusang palo
Kahulugan: Sariling sipag
Halimbawa: Kailangan nating magkusang palo at huwag umasa sa iba.
79. Kutsarang ginto sa bibig
Kahulugan: Lumaki sa yaman
Halimbawa: Makikita mo naman sa kanyang kilos na siya’y nanggaling sa pamilyang may kutsarang ginto sa bibig.
80. Lahing kuwago
Kahulugan: Sa umaga natutulog
Halimbawa: Si Mahal ay nag tratrabaho sa gabi kaya lahing kuwago siya tuwing umaga.
81. Lakad pagong
Kahulugan: Mabagal na pagkilos
Halimbawa: Napakalakad Pagong mo naman!
82. Laman ng lansangan
Kahulugan:Palaboy o laging istambay sa kalye
Halimbawa: Marami akong kaklase noon sa high school na laman ng lansangan.
83. Lamog ang katawan
Kahulugan: Sobrang pagod
Halimbawa: Lamog ang katawan ni Joshua pagkatapos niyang magtrabaho ng 10 oras sa isang araw.
84. Lantang gulay
Kahulugan: Matamlay o mahinang pangangatawan
Halimbawa: Dahil sa walang tigil na utos ng amo ni Jules, nag mukhang lantang gulay siya.
85. Lawit ang dila
Kahulugan: Sobrang pagod
Halimbawa: Lawit na ang dila niya sa pang aararo sa bukid.
86. Laylay ang balikat
Kahulugan: Taong bigo
Halimbawa: Laylay ang balikat ni Andrew dahil hindi siya nakapasa sa board exam.
87. Luha ng buwaya
Kahulugan: pakitang taong lamang
Halimbawa: Luha ng buwaya lang yan sa umpisa, wag na wag kang magtitiwala dyan.
88. Lumagay sa tahimik
Kahulugan: Magpakasal, bumuo ng sariling pamilya
Halimbawa: Marami ng mga kaibigan ko ang lumagay sa tahimik kahit ang babata pa nila.
89. Lumaki ang ulo
Kahulugan: Nagyabang dahil sa nakuhang tagumpay.
Halimbawa: Lumaki ang ulo niya dahil sinagot siya ng kanyang nililigawan.
90. Lumang tugtugin
Kahulugan: Laos na o alam na ng lahat ang ibinalita o ikinukuwento
Halimbawa: Magmove-on na tayo, lumang tugtugin na yan.
91. Lumuha man ng bato
Kahulugan: Hindi mapatawad
Halimbawa: Kahit lumuha ka man ng bato hindi ko makakalimutan ang mga maling pagtrato mo sa akin.
92. Maaliwalas ang mukha
Kahulugan: Masayahin, taong palangiti
Halimbawa: Mabuti pa si Joy, maaliwalas ang mukha.
93. Maamong kordero
Kahulugan: Napakabait o kalmadong tao
Halimbawa: Bakit kaya sa maamong kordero na si Denice pa nangyari ang bagay na ito?
94. Maanghang ang dila
Kahulugan: Bastos magsalita
Halimbawa: Maanghang talaga ang dila ng mga lalaking tambay sa kanto.
95. Mababa ang loob
Kahulugan: Maawain at mapagkumbaba
Halimbawa: Nakuha niya talaga ang ugali ng nanay niya na mababa ang loob.
96. Mababaw ang luha
Kahulugan: Iyakin
Halimbawa: Mababaw talaga ang luha ng mga sanggol.
97. Mabigat ang dugo
Kahulugan: Taong may galit o sama ng loob sa iba.
Halimbawa: Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dugo ni Sir Alvin kay Joshua.
98. Mabigat ang kamay
Kahulugan:
(1)Tamad magtrabaho
(2) Madaling makasakit sa iba
Halimbawa:
(1)Mabigat ang kamay ni Robert kaya wala siyang permanenting trabaho.
(2)Nilayasan siya ng kanyang asawa dahil mabigat ang kamay niya.
99. Mabigat ang loob
Kahulugan: Labag sa kalooban o nahihirapang tanggapin ang isang bagay.
Halimbawa: Mabigat ang loob ng mga taong nawalan ng tirahan dahil sa nangyayaring sunog.
100. Mabilis ang kamay
Kahulugan: Mandurukot/magnanakaw
Halimbawa: Mabilis ang kamay ng batang yan!
101. Madilim ang mukha
Kahulugan: problemado
Halimbawa: Madilim ang mukha ni Albert dahil wala na siyang natirang pera pambili ng kanyang project.
102. Magaan ang dugo
Kahulugan: Madaling makapalagayan ng loob
Halimbawa: Naging magaan ang dugo ko sa kaniya dahil napakabait niyang tao.
103. Magaan ang kamay
Kahulugan: Laging nananakit
Halimbawa: Magaan ang kamay ng mga magulang ni Rene
104. Magaling ang kamay
Kahulugan: Mahusay gumuhit o magpinta
Halimbawa: Magaling ang kamay ni Jane kaya nanalo siya sa poster making.
105. Magdilang-anghel
Kahulugan: Magkatotoo sana
Halimbawa: Salamat sa Diyos! nagdilang angel ang sinabi mong papasa ako sa board exam.
106. Maghalo ang balat sa tinalupan
Kahulugan: Magkakagulo o magkaaway-away
Halimbawa: Maghahalo ang balat sa tinalupan kapag hindi nagbayad ng utang yang nanay mo sa akin bukas!
107. Magkataling-puso
Kahulugan: Nag-iibigan, mag-asawa
Halimbawa: magkataling-puso na pala sila Kelvin at Sarah.
108. Maglaro ng apoy
Kahulugan: Magtaksil
Halimbawa: Wag kang magbubuklod ng pamilya kung maglalaro ka lang din ng apoy sa asawa mo.
109. Maglubid ng buhangin
Kahulugan: Magsinungaling
Halimbawa: Dyan ka mqgaling’ ang maglubid ng buhangin!
110. Mahaba ang buntot
Kahulugan: Laging nasusunod ang gusto
Halimbawa: Dahil sa pagtatrabo ng magulang ni Mark sa ibang bansa, naging mahaba ang buntot niya.
111. Mahabang dulang
Kahulugan: Kasalan
Halimbawa: Nalalapit na ang mahabang dulang nina Macoy at Jennie.
112. Mahangin
Kahulugan: Mayabang
Halimbawa: Si Pepito ang kilalang mahangin sa aming classroom.
113. Mahangin ang ulo
Kahulugan: Mayabang
Halimbawa: Sa aming tatlong magkakapatid si Bogart lang ang mahangin ang ulo.
114. Mahapdi ang bituka
Kahulugan: Nagugutom
Halimbawa: Bumili siya ng pagkain dahil Mahapdi na ang bituka niya kanina pa.
115. Mahina ang loob
Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Mahina ang loob ko kaya di ako nakasali sa liga sa aming barangay.
116. Mainit ang ulo
Kahulugan: Nagagalit o naiinis
Halimbawa: Huwag mong kausapin si Jeric dahil mainit ang ulo nya ngayon baka mag away kayo.
117. Maitim ang budhi
Kahulugan: Tuso, masama ang ugali
Halimbawa: Maitim ang budhi ng guard sa aming skwelahan.
118. Maitim ang dugo
Kahulugan: Salbahe, tampalasan
Halimbawa: Palibhasa maitim ang dugo niya kaya wala siyang kaibigan.
119. Makalaglag-matsing
Kahulugan: Nakaka-akit
Halimbawa: Makalaglag-matsing ang ganda at personalidad ni Kelly.
120. Makapal ang bulsa
Kahulugan: Maraming pera, masalapi, mayaman
Halimbawa: Makapal ang bulsa ni Blythe dahil nakapagtayo na siya ng kaniyang sariling bahay.
121. Makapal ang mukha
Kahulugan: Di marunong mahiya
Halimbawa: Makapal ang mukha ni Jong dahil kung saan-saan nalang siya nakikitira.
122. Makapal ang palad
Kahulugan: Masipag
Halimbawa: Dahil siya’y makapal ang palad, nakapagtapos siya ng pag-aaral.
123. Makati ang dila
Kahulugan: Madaldal, mapunahin
Halimbawa: Palagi kaming napapagalitan dahil makati ang dila ng aking kaklase.
124. Makati ang paa
Kahulugan: Mahilig sa gala o lakad
Halimbawa: Ang kapatid ko’y palaging makati ang paa.
125. Makitid ang isip
Kahulugan: Mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa: Walang away na magaganap kung hindi lang sana makitid ang isip niyo.
126. Makuskos-balungos
Kahulugan: Mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin
Halimbawa: Ang aking amo ay naiinis sa mga taong makuskos-balungos.
127. Malakas ang loob
Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob
Halimbawa: Malakas ang loob kong matatanggap ka sa trabahong papasukan mo.
128. Malaking isda
Kahulugan: Mayaman
Halimbawa: Si Miya ay anak ng malaking isda.
129. Malamig ang ulo
Kahulugan:Nasa magandang kondisyon ang pakiramdam
Halimbawa: Mabuti nalang at malamig ang ulo ng nanay ko kaya hindi ako pinagalitan.
130. Malapad ang papel
Kahulugan: Maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong
Halimbawa: Palibhasa’t malapad ang papel kaya madaling na lista sa 4p’s.
131. Malawak ang isip
Kahulugan: Madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa: Malawak ang isip ko kaya ako ang inaasahan ng aking mga kaklase.
132. Malikot ang kamay
Kahulugan: Magnanakaw
Halimbawa: Malikot ang kamay ng aking kaklase.
133. Manipis ang mukha
Kahulugan: Mahiyain
Halimbawa: Magugutom ka talaga kung palaging manipis ang mukha mo!
134. Mapait na lunukin
Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo
Halimbawa: Mapait na lunukin ang mga nangyayari sa buhay ko.
135. Mapurol ang utak
Kahulugan:Mahina mag-isip, bobo
Halimbawa: Mag-aral ka ng mabuti para hindi magiging mapurol ang utak mo.
136. Maputi ang tainga
Kahulugan: Kuripot
Halimbawa: Kahit kailan ayaw niyang nanglilibre siya dahil siya’y maputi ang tainga.
137. Masama ang loob
Kahulugan: May galit, nagtatampo o mayroong masamang dinadamdam sa isang tao.
Halimbawa: Minsan ma’y masama ang loob ko sayo, mahal parin naman kita.
138. Masama ang panahon
Kahulugan: May paparating na malakas na ulan/bagyo.
Halimbawa: Walang pasok ngayon dahil masama ang panahon.
139. Matalas ang dila
Kahulugan: Masakit magsalita
Halimbawa:Nagiging matalas ang dila ng isang tao kapag siya’y nasasaktan.
140. Matalas ang mata
Kahulugan: Madaling makakita
Halimbawa: Matas ang mata ni Mike pagdating sa pera.
141. Matalas ang tainga
Kahulugan: Mabilis makakuha ng balita.
Halimbawa: Matalas ang tainga ng chismosa ñaming kabit-bahay.
142. Matalas ang ulo
Kahulugan: Matalino
Halimbawa: Magiging matalas ang ulo mo kung pagbubutihan mo ang iyong pag-aaral.
143. Matamis ang dila
Kahulugan: Mahusay mangusap, bolero
Halimbawa: Kung liligawan mo man siya dapat matamis ang dila mo.
144. Matandang kalabaw
Kahulugan: Matanda na
Halimbawa: Sana’y humaba pa ang buhay ng matandang kalabaw mong nanay.
145. Matigas ang buto
Kahulugan: Malakas
Halimbawa: Kaya ng kuya ko ang magbuhat ng anu mang mabibigat na bagay dahil matigas ang buto niya.
146. Matigas ang katawan
Kahulugan: Tamad
Halimbawa: Karapat-dapat lang na mawalan ka ng trabaho dahil matigas ang katawan mo!
147. Matigas ang leeg
Kahulugan: Mapag-mataas, di namamansin, mayabang
Halimbawa: Walang gusto makipag kaibigan kay lourence dahil matigas ang leeg niya.
148. Matigas ang ulo
Kahulugan: Ayaw makinig sa pangaral o utos
Halimbawa: Matigas ang ulo ni kuya kaya parati siyang napapagalitan ng aming magulang.
149. May ipot sa ulo
Kahulugan: Taong pinagtaksilan ng asawa
Halimbawa: Ang Tyahin ko’y may ipot sa ulo.
150. May krus ang dila
Kahulugan: Taong may alam sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Halimbawa: Mag-ingat na lang tayo kung magiging totoo man ang sinasabi ng taong may krus ang dila.
151. May magandang hinaharap
Kahulugan: May magandang kinabukasan
Halimbawa: Dahil sa kanyang pagsusumikap, siya ngayo’y may magandang hinaharap.
152. May sinasabi
Kahulugan: Mayaman, may likas na talino
Halimbawa: Wala ka talagang laban sa taong may sinasabi.
153. Nag-aapoy sa init
Kahulugan: Sobrang taas ng lagnat
Halimbawa: Pinauwi ng aming guro si Alvin dahil siya’y nag-aapoy sa init.
154. Nagbabatak ng buto
Kahulugan: Nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
Halimbawa: Nagbabatak ng buto parin si Airah kahit gabi na.
155. Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Naghahanap ng trabaho
Halimbawa: Ang tatay ko’y nagbibilang ng poste para may pagkukunan kami ng pera sa aming pangaraw-araw na gastusin.
156. Nagbukas ng dibdib
Kahulugan: Nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan
Halimbawa: Kanina ay nagbukas ng dibdib si June kay Sophia.
157. Nagmumurang kamatis
Kahulugan: Matandang lalaking nag-aayos binata, matandang babae nag-aayos dalaga
Halimbawa: Ayon sa chismis, nagmumurang kamatis na naman ang lola ni Daisy.
158. Nagpupusa
Kahulugan: Nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
Halimbawa: Nagpupusa na naman itong kaibigan ko tungkol sa taong kinaiinisan niya.
159. Nagsaulian ng kandila
Kahulugan: Pag-aaway ng isa o dalawang tao, di nagkasundo
Halimbawa: Nagsaulian ng kandila ang magkumpareng sina Jay at John.
160. Nagsusunog ng kilay
Kahulugan: Nagsisipag o nag-aaral ng Mabuti ang isang tao upang makakuha ng mataas na grado.
Halimbawa: Ako’y nagsusunog ng kilay para may magandang kinabukasan sa hinaharap.
161. Nakahiga sa salapi
Kahulugan: Mayaman
Halimbawa: Hindi lahat ng nakahiga sa salapi ay masamang tao.
162. Nakapinid ang tainga
Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
Halimbawa: Palaging nakapinid ang tainga ni Joel tuwing siya’y inuutusan.
163. Namamangka sa dalawang ilog
Kahulugan: Isang tao na mayroong ginagawang pagtataksil sa kanyang asawa o pinagsasabay nya ang dalawang karelasyon.
Halimbawa:Ang kumpare ni papa ay palagi kong nakikita na namamangka sa dalawang ilog.
164. Namuti ang mata
Kahulugan: Nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
Halimbawa: Namuti ang mata ni lloyd sa paghihintay kung kailan siya mananalo sa lotto.
165. Naniningalang-pugad
Kahulugan: Nanliligaw
Halimbawa: Hindi sinagot ni Rose ang naniningalang-pugad sa kanya dahil pagagalitan siya ng kanyang ama.
166. Natuka ng ahas
Kahulugan: Hindi nakakibo,natulala,nawalan ng lakas magsalita
Halimbawa: Parang natuka ng ahas ang kanyang kapatid dahil sa hindi ito nakapasa sa board exam.
167. Ningas-kugon
Kahulugan: Sa una lang magaling,panandalian, di pang-matagalan
Halimbawa: Marami sa ating mga Pilipino ang may ugaling ningas-kugon.
168. Pag-iisang dibdib
Kahulugan: Kasal
Halimbawa: Pupunta ako bukas sa pag-iisang dibdib nina Marielle at Robin.
169. Pagkagat ng dilim
Kahulugan: Pag lubog ng araw, malapit ng gumabi
Halimbawa: Pagkagat ng dilim dapat ay nakauwi na kayo sa bahay, sabi ni inay.
170. Pagputi ng uwak
Kahulugan: Imposibleng mangyari
Halimbawa: Pagputi ng uwak na lang kita sasagutin.
171. Panakip butas
Kahulugan: Panghalili, pamalit
Halimbawa: Noon paman ay ginagawa ka lang niyang panakip butas.
172. Panis ang laway
Kahulugan: Taong di-palakibo
Halimbawa: Ang boring kasama ng mga taong panis ang laway.
173. Pantay ang mga paa
Kahulugan: Sumakabilang buhay na o patay na.
Halimbawa: Pantay ang mga paa nang datnan ni Allen ang kanyang lolo sa kwarto.
174. Parang aso’t pusa
Kahulugan: Laging nag-aaway
Halimbawa: Parang aso’t pusa ang mag-asawang sina Jill at Joey.
175. Parang kiti-kiti
Kahulugan: Malikot, di mapakali
Halimbawa: Parang kiti-kiti naman ng anak mo!
176. Parehong kaliwa ang paa
Kahulugan: Hindi marunong sumayaw
Halimbawa: Hindi sumasali si Sato sa street dance dahil parehong kaliwa ang paa niya.
177. Patabaing baboy
Kahulugan: Palamunin, tamad
Halimbawa: Patabaing baboy na lang yang si Diego.
178. Patay-gutom
Kahulugan: Matakaw o palaging gutom
Halimbawa: Magtipid ka! hindi tayo mayaman, huwag kang patay-gutom!
179. Pinagbubuhatan ng kamay
Kahulugan: Pinapalo, sinasaktan
Halimbawa: Huwag mong sanaying pinagbubuhatan ng kamay ng nanay mo ang anak natin.
180. Pulot-gata
Kahulugan: Pagtatalik ng bagong kasal, honeymoon
Halimbawa: Parang napasaya si Roel sa kanilang pulot -gata ng kanyang asawa.
181. Pusong mamon
Kahulugan: Isang tao na madaling maawa o may malambot na puso.
Halimbawa: May pusong mamon si Joana sa mga asong nakikita niya sa kalsada.
182. Pusong-bakal
Kahulugan: Hindi marunong magpatawad,matigas ang puso at damdamin.
Halimbawa: Ikaw ang dahilan kung bakit naging pusong-bakal ang kaibigan ko!
183. Putok sa buho
Kahulugan: Anak sa labas, anak ng taong nagsama ng hindi kasal
Halimbawa: Hindi alam ni Angel na siya’y putok sa buho lamang ng kanyang ina.
184. Saling-pusa
Kahulugan: Nakikisali lang o pansamantalang kasali lamang
Halimbawa: Ang bunsong kapatid ni Erica ay saling-pusa lang sa aming larong tagu-taguan.
185. Samaing palad
Kahulugan: Malas na tao
Halimbawa: Umiwas ka kay June, siya’y isang samaing palad.
186. Sampay-bakod
Kahulugan: Taong nagpapanggap, hindi magpagkakatiwalaan, peke
Halimbawa: Mag-ingat ka sa mga taong sampay-bakod.
187. Sampid-bakod
Kahulugan: Nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
Halimbawa: Kawawang Sophia, sampid -bakod lang pala.
188. Sanga-sangang dila
Kahulugan: Sinungaling
Halimbawa: Tanga lang ang maniniwala sa sinasabi ni Aira, di nila alam na ito’y isang sanga-sangang dila.
189. Sariling pugad
Kahulugan: Sariling tahanan
Halimbawa: Kung gusto mong magkaroon na ng isang masayang pamilya, kailangan mayroon kang sariling pugad.
190. Sariwa sa alaala
Kahulugan: Palaging naaalala, hindi makalimutan
Halimbawa: Sariwa pa sa aking alaala ang aming masasayang nakaraan.
191. Sira ang tuktok
Kahulugan: Gago, loko-loko, tanga
Halimbawa: Huwag mong gayahin yang kuya mong sira ang tuktok.
192. Sukat ang bulsa
Kahulugan: Marunong gumamit ng pera; marunong mamahala ng ari-arian o kayamanan
Halimbawa: Sana’y may gobyerno tayong may sukat ang bulsa para sa ating bansa.
193. Sukat ang bulsa
Kahulugan: Marunong gumamit ng pera; marunong mamahala ng ari-arian o kayamanan
Halimbawa:Si Jo-an ay Sukat ang bulsa kaya hindi siya kinakapos tuwing may kailangan siyang bilhin para sa kaniyang pag-aaral.
194. Takaw-tulog
Kahulugan: Mahilig matulog
Halimbawa: Huwag kang takaw-tulog sa oras ng klase.
195. Talusaling
Kahulugan: Manipis ang balat o madaling masaktan
Halimbawa: Hindi ako masyadong nagbibilad sa araw kasi talusaling daw ako sabi ni inay.
196. Talusira
Kahulugan: Madaling magbago o sumisira sa pangako
Halimbawa: Lahat ng lalaki ay talusira sa mga pangakong kanilang binibitawan.
197. Tatlo ang mata
Kahulugan: Maraming nakikita, mapaghanap ng mali
Halimbawa: Huwag ka sanang maging kagaya niya na tatlo ang mata.
198. Tawang-aso
Kahulugan: Nagmamayabang, nangmamaliit
Halimbawa:Napakasama mo naman! tawang-aso ka nalang palagi kapag may nakiki kang kamalian sa isang tao.
199. Tengang kawali
Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
Halimbawa: Wala kang matutunan sa buhay kapag palagi ka nalang nagtetengang kawali.
200. Tinik sa lalamunan
Kahulugan: Balakid o hadlang sa layunin
Halimbawa: Ayokong maging tinik sa lalamunan ng aking pamilya kaya sisikapin ko na makatapos ng pag-aaral.
201. Tulak ng bibig
Kahulugan: Salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa: Puro tulak ng bibig lang naman ang alam ng kapatid mong ipokrito!
202. Umaalon ang dibdib
Kahulugan: Kinakabahan
Halimbawa: Palaging umaalon ang dibdib ko sa tuwing ako’y aabutin na ng gabi sa pag-uwi.
203. Utak-biya
Kahulugan: mahina ang isip, walang nalalaman
Halimbawa: Naging Utak-biya yang anak mo dahil sa katamaran sa pag-aaral.
204. Utang na loob
Kahulugan: Malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man
Halimbawa: Hindi masama na tumanaw ng utang na loob sa ibang tao.
205. Walang bahid
Kahulugan:Walang dungis, walang kasalanan,malinis
Halimbawa: Sadyang walang bahid ng kasinungalingan ang sinasabi ng batang nasangkot sa trahedya.