I like playing with the Makahiya plant when I was a kid. It amazes me how it can fold its leaves when touched or disturbed. I would wait for minutes to see how long the leaves will open up again.
The Makahiya plant scientific name is Mimosa Pudica. Pudica in Latin means shy or bashful. The plant is also called sensitive plant, sleepy plant, action plant, touch-me-not, and shameplant.
Legend says that the Makahiya plant used to be beautiful and proud. They don’t shrink in shame. However, the Makahiya plant was punished by Diwata for its pride.
Read the Filipino version of the legend of the makahiya plant below.
Ang Alamat ng Makahiya
Noong unang panahon, may isang halamang ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin na kaaya-aya. Dahil dito, naging mapagmalaki ang halamang ligaw.
Minsan, umulan nang malakas. May isang masipag na Langgam na naghahakot ng kanyang inipong pagkain sa daan at sa kasamaang palad ay naabutan siya ng ulan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang halamang ligaw.
Nagalit ang halamang ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang Langgam. Inuga niya ang kanyang mga tangkay kaya ang langgam ay nahulog sa tubig. Naawa si Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod niya ito tubig. Kumapit dito ang Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.
Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng mga hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang matulungin at maawaing sina Tubo at Alitaptap. Binigyan ni Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang mapagmalaking halamang ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at nilagyan ito ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang halamang ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing siya’y ginagalaw o mahawakan. Mula noon, nakilala ang halamang ligaw sa tawag na Makahiya.