Mga Uri ng Pangungusap at Mga Halimbawa

Like in English, there are also different types of sentences or pangungusap in Filipino. Below are the four types of sentences according to function or Ang Apat na Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit.

Ano ang Pangungusap?

Ang Pangungusap ay grupo ng pinagsama-samang mga salita ay may mensahe o diwa. Ito ay may simuno (subject) at panaguri (predicate).

Mga Uri ng Pangungusap at mga Halimbawa

Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Halimbawa:

  • Ang luto ni nanay ay masarap.
  • Malapit ang simbahan sa bahay namin.
  • Marami ang manonood ng pelikula.
  • Ang ibon ay lumilipad.

Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

Halimbawa:

  • Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa?
  • Malayo ba ang palengke dito?
  • Ilan kayo ang papunta sa bahay?
  • Umuulan ba sa labas?

Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:

  • Pakiligpit ng kalat sa sahig.
  • Pakisara ng pinto.
  • Kunin mo ang salamin ko sa kwarto.

Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

Halimbawa:

  • Naku! Nahulog ang mga itlog.
  • Takbo!
  • Sa wakas! Natapos din.

2 thoughts on “Mga Uri ng Pangungusap at Mga Halimbawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.