Ano ang Pang-uri
Ang mga pang-uri o adjectives sa wikang Ingles ay salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Here are examples of Pang-uri to help build your vocabulary of Filipino words. Each Pang-uri is shown in bold letter and is used in a sentence.
Narito ang higit sa 100 na Pang-uri at ang paggamit ng mga pang-uri sa pangungusap.
- Ang puso ay kulay pula.
- Malayo ang bahay nila.
- May tatlong paru-paro sa halaman.
- Mataas ang puno ng mangga.
- Si lola ay mapagmahal sa amin.
- Malamig ang simoy ng hangin.
- May dala akong anim na tinapay.
- Madumi ang silid ni kuya.
- Malakas ang ulan.
- Bilog ang bola.
- Makulay ang payong niya.
- Hugis-bituin ang parol.
- Ang sorbetes ay masarap.
- Makinis ang balat ng mansanas.
- Bago ang sapatos na gamit niya.
- Ang bulaklak sa hardin ay mabango.
- Maaraw sa labas.
- Matangkad ang kaklase ni Maria.
- Malungkot si ate ng umalis si nanay.
- Ang kakanin ay matamis.
- Maingay ang tunog ng tren.
- Natutuwa sa lolo sa batang magalang.
- Mabilis ang kabayo.
- Ang unan ay malambot.
- Mainit pa ang ulam sa mesa.
- Tahimik na natutulog ang sanggol.
- Matapang ang batay na aso.
- May dalawang ibon sa puno.
- Kulay dilaw ang keso.
- Masaya ang mga bata.
- Ang regalo ay malaki.
- Mabigat ang laman ng karton.
- Kulot ang buhok ng bata.
- Mabaho ang basura sa daan.
- Matao sa bayan tuwing fiesta.
- Ang damit ay malinis na.
- Ang mga isda ay sariwa.
- Si Anika ay mabait na bata.
- Mataba ang aming alagang pusa.
- Maraming puto ang kinain ni Gab.
- Ang guro namin ay matalino.
- Hinog na ang saging.
- Punuin ang bote ng kalahating litrong tubig.
- Malapad ang kalsada sa siyudad.
- Nasira ang gulong sa malubak na kalsada.
- Si Joel ay payat na bata.
- Sira na ang mga upuan.
- Lumalapit na ang maitim na ulap.
- Madilim ang paligid dahil sa brownout.
- Matalim ang kuko ng agila.
- Mahina ang tahol ng aso.
- Makapal ang pader ng kapitbahay.
- Masarap humiga sa malambot na kama.
- Mabato ang daan papunta sa sakahan.
- Kumuha siya ng tubig sa malalim na balon.
- Maikli na ang buhok ni Toto pagkatapos magpagupit.
- Magluluto si Millie ng pangkaing Italyano.
- Kumuha si Felipe ng manipis na papel.
- Nakakita sila ng mahabang ahas.
- Malinaw ang tubig sa ilog.
- Si Teresa ay anak ng mayaman na negosyante.
- Nakatago ang magarang damit sa aparador.
- Inakyat ng kambing ang matarik na bangin.
- Magaling na bata si Clara.
- Bumili si Anton ng murang laruan.
- Magkikita kami sa malawak na palaruan.
- Tinulungan nila ang matandang babae.
- Mapait ang ampalaya.
- Naghahanap sila ng masipag na labandera.
- Marunong magsalita ng wikang Frances si Nardo.
- Pinaayos ni Tata ang mapurol na gunting.
- Mabagal maglakad ang pagong.
- Masakit ang likod ni Anton sa kakalaro.
- Naging mahapdi ang sugat nang nilagyan ng gamot.
- Malansa ang isda na nabili ni Kim.
- Nakatulog si Gina sa tahimik na kwarto.
- Gwapo ang mga apo ni Jimmy at Noemi.
- Binabalikan nila ang malasang luto ng carinderia.
- Kulay-asul ang ibon sa sanga.
- Kinain ni Basti ang buong pizza.
- Ang kulay ng sapatos ay luntian.
- Hindi makita ni Alicia ang maliit na butones.
- Piliin mo ang pulang-pula mansanas sa tindahan.
- Maputik ang daanan tuwing umuulan.
- Paborito ni tatay ang malangis na adodong manok.
- Pinili nila si Sarah bilang isang matapat na tagapaglingkod.
- Gawa sa tunay na ginto ang alahas.
- Maliwanag ang silid dahil sa malalaking bintana.
- Kinamot ni Andrew ang makati na sugat.
- Hindi kinain ang matabang na ulam sa handaan.
- Makintab ang mahabang buhok ni Lena.
- Dapat pantay ang mesa bago patungan ng mga gamit.
- Nabasa ang damit dahil sa tunaw na yelo.
- Hindi nanalo ang mayabang na manlalaro.
- Marami ang hindi nakapasa dahil mahirap ang pagsusulit.
- Nalaglag ang kariton sa makitid na daan.
- Magastos sa pera ang anak ng hari.
- Maputla ang mukha ni Jane dahil sa kanyang nakita.
- Malabo na ang mga mata ni Lola Belinda.
- Hindi mabisa ang gamot na nabili para sa aso.
- Nasa huli ng pila ang magkaibigan.
- Lumbasa ang diwata sa mahiwagang puno.
- Malikot ang mga ibon sa hawla.
- Sumakit ang aking paa sa matigas na bakya.
- Matipid sa gas ang bagong kotse.
Thanks
Thank you