Anyong Tubig or bodies of water is part of our Araling Panlipunan lessons. Here are the different types of bodies of water, with their description and equivalent English terms.
Uri ng Anyong Tubig at Mga Halimabawa:
KARAGATAN (ocean) – Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig. Maalat ang tubig nito.
Halimba: Karagatang Pasipiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko
DAGAT (sea) – Malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
Halimba: Dagat Pilipinas, Dagat Timog Tsina, Dagat Celebes
ILOG (river) – Mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa dagat.
Halimba: Ilog Pasig, Ilog Cagayan, Ilog Agusan
LOOK (bay) – Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa dagat o karagatan.
Halimba: Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Batangas
LAWA (lake) – Anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang ang tubig nito.
Halimba: Lawa ng Taal, Lawa ng Laguna (biggest lake in Luzon), Lawa ng Balinsasayao
TALON (waterfall) – Ang talon ay daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook.
Halimba: Talon ng Pagsanjan, Talon ng Maria Cristina(2nd highest waterfall in the Philippines), Talon ng Aliwagwag (highest waterfall in the Philippines)
BUKAL (spring) – Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.
Halimba: Tagub Hot Spring (Camiguin), Malumpati Cold Springs (Antique), Hidden Valley Spring (Laguna)
GOLPO (gulf) – Isang bahagi ng karagatan na makikita sa pagbubukas ng dagat. Ito ang tawag sa malaking look.
Halimba: Golpo ng Lingayen, Golpo ng Leyte
Download the following Anyong Tubig cards and worksheet to have fun learning!
Related Posts:
Very good easy to help to students
thank you
You’re welcome. 🙂