Pangngalan is a Filipino equivalent for nouns. It has can also be classified as either Proper (Pantangi) or Common Nouns (Pambalana).
Ano ang Pangngalan?
Ang pangngalan ay tawag sa mga salitang tumutukoy sa tao, hayop, lugar, o bagay.
Halimbawa:
- Ngalan ng tao – tatay, Andres Bonifacio, Confucius
- Ngalan ng hayop – aso, manok, agila
- Ngalan ng bagay – libro, lapis, papel
- Ngalan ng pook/lugar – bansa, lungsod, Thailand, Makati
Ano ang dalawang uri ng Pangngalan?
Ang pangngalan ay merong 2 uri:
- Pangngalan Pambalana – ito ay pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, hayop, at pangyayari. Ang mga pangngalang ito ay di- tiyak, walang tinutukoy na tiyak o tangi. Maliit na titik ang simula ng mga salitang ito.
- Pangngalan Pantangi – ito ay mga pangngalang tumutukoy sa mga tiyak o tanging pangngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, gawain, at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
Pangngalan Pambalana | Pangngalan Pantangi |
---|---|
kapatid | Kuya Mark |
bansa | Singapore |
lungsod | Makati |
sasakyan | Nissan GT-R Nismo |
sapatos | Adidas |
relo | Panerai |
Download FREE Pangngalan Worksheets here: Mga Uri ng Pangngalan Worksheets